Lunes, Oktubre 24, 2011

ang gulo mo lang LOVE...- 25th month:)

Dati, kapag naririnig ko yung mga ganitong kataga, I'll just turn my back and say, "wooo, parang hindi naman" Basta ang alam ko, may mga dadating na trials, quarrels and everything pero not as worse as this. At ngayon ko narealize na ang pag-ibig pala parang buhay din-- masaya, madugo at palakasan.. Hindi ka pwedeng lalampa-lampa dito. Salamat sa taong nagparealize sa akin ng ganito. 


Isa sa mga salitang pinakamahirap i-define ay ang pag-ibig. Mahirap talaga. Dati sabi ko, alam mo na ang totoong meaning ng love kapag nakapagsakripisyo ka, naging masaya ka at minahal mo ng buong makakaya mo yung taong yun. Pero hindi.  Dapat mas malalalim sa mga yun ang pang-unawa mo sa pagmamahal. Natutunan ko na hindi dapat puro saya. Mas magiging matamis kung may paghihirap at sakit kasi dun mo mas lalong ma-appreciate ang kagandahan ng buhay. 


For the past 19 years of my life, I experienced happiness, hurt at lahat ng emotion na pwede mong maranasan. I can proudly say that truly, "Life is not perfect and there is no one perfect". Pero, above all that, "Patience is the only virtue". I know and I believe na malalagpasan ko din ang lahat:) 


Dun na din papasok ang pagmamahal na tinuro ni God.Sabi sa Bible, si Lord daw tinuruan tayo magmahal unconditionally. Kahit gaano kasakit ang ginawa sayo ng tao, you should love like how God loved us. Mahirap. Madugo. Pero kung determinado ka, keri lang. Wag ka lang papadala sa pagod kasi yun yung magpapatalo sayo. Basta dapat marunong ka lang makipagsabayan sa buhay, hindi lahat kasi ng bagay maayon sa gusto mo. :) 


Masaya magkaron ng lahat. Maayos na pamilya, magandang career, magandang love life at maayos na mga kaibigan. Pero expect the worst na may papalpak at papalpak jan sa mga yan. You'll never have all of those at the same time. Bawal favoritism kay Lord:)


Pag may tiwalang nawala, mejo mahihirapan kang maibalik. swerte ka kung ginagawa niya lahat to bring back that trust. Madadapa minsan, mauulit ang mali pero babangon at babangon para makuha ang inaasam na tagumpay. Sana ganun kadali tanggapin ang lahat. Sana may re-charge button ang buong pagkatao mo para kapag pagod ka na, pindutin mo lang yun at lalakas ka ulit. 


Sa dinami-dami ng tao sa mundo, minsan iisipin mo bakit sya. Bakit paulit-ulit kang nagpapatawad. Kahit gaano katanga na ang tingin sayo ng ibang tao, go ka pa din. Sabi ko, pinagdasal ko na to kay Lord at mukhang ayaw niya pang iwanan ko. Baka nga. Baka kasi may plan sya. Dun ako naghohold on. Minsan, when you go back to where you started, maiisip mo talaga na hindi ka makakahanap ng tulad niya. Perfect na sana. Pero wala ngang perpekto kaya wag na masyadong demanding. haha. 


For the past2 years, masaya ako, sobra.. Dito ko naramdaman ang mga pinapangarap ko for an ideal relationship. Yung tipong makakasama mo sa isang trip, mag-aalaga sayo at hindi matutulog kapag may sakit ka, kasama mo through thick and thin sa lahat, sa bagyo, sa hirap, sa lahat, at yung taong hindi maggiveup kahit gano ka kahirap intindihin. Lahat ng pinapangarap ng isang babae para sa ideal relationship, nandito. except for one thing. Yun ang flaw. pero minsan dapat mong tiisin hanggang alam mong pinipilit niyang baguhin para sayo. :)


I may not be the best, the prettiest and the sexiest, pero lahat naman gagawin para sa kanya.:) Siguro yun ang lamang ko sa kanila. Kahit hanapin pa nya  ang tulad ko sa mga libro, pelikula, mga social networking sites at kahit san,  hindi nya pa rin mahahanap ang R.A na meron sya. 




- 25th:) ♥♥♥