"God has a reason for allowing things to happen. We may never understand his wisdom, but we simply have to trust his will."
Nagtanong ako kay Lord nung mga oras na nakaramdam ako ng sakit. Tinanong ko kung bakit nagkaganun, hindi ko ba nagampanan ng mabuti ang tungkulin ko? Hindi ba sapat yung pagmamahal na binibigay ko? Nagkukulang ba ako ng oras, pagmamahal? parang hindi naman kasi. Lahat naman ginagawa ko para dito, lahat ng pag-eexperiment sa ugali, sa pag-iintindi ng ugali, ginagawa ko kasi natatakot akong gawin sa kin ulit yun, natatakot akong mangyari. Pero without any sign, nangyayari na pala. Hindi man lang ako prepared.
It's been the 3rd time. Akala ko pagod na ko. Oo, pagod na ako. Pero nadala pa din ako sa paulit-ulit niyang pagpilit sa akin to go back and be with him again. Kasi, kung may isang tao akong hindi matatanggihan sa lahat ng bagay, siya yun. Dati pa man, ganun na ako sa kanya. Akala ko tamang pagmamahal yung ganon. Akala ko enough na yun para masabi kong makukuntento na siya. Pero hindi pala. Pinipilit ko yung sarili kong hindi ko na siya mahal. Dapat wala na, kasi puno ng galit yung puso ko. pero hindi din e.
Isang araw, napag-isipisip kong bigyan pa ng chance. This time, hindi na ako sigurado kung magbabago siya. Ang sigurado ako, masaya pa din ako pag kasama siya. Setting aside yung takot na konting kibot uulitin niya yun. Siguro ngayon, kailangan kong makuntento sa ganito. Yung parang pagmamahal na walang commitment. Yung hindi ka mag-eexpect ng kahit ano, hindi ka madidisappoint at hindi ka na magseselos, magagalit at kung ano-ano man. Magulo. Masalimuot. Pero baka sa ganitong paraan mabuhay ulit ang puso ko. Baka sa ganitong paraan, maniwala ulit ang puso at isip ko na magbabago siya. SANA. Makukuntento ako sa ganito kahit sa akin lang applicable to. Gagawin ko yung lahat para mabuhay ulit ang puso ko.
Alam ko ngayon, pinipilit ng puso kong bumangon galing sa lusak habang patuloy akong nagdadasal na maging okay, na magbago nga siya ng tuluyan. Bumalik ang tawanan, masaya. Ayoko ng sirain yun. Ayoko ng isipin pa niya na hindi ako kuntento dun. Pero hindi ko palang makita ulit yung genuine happiness na dapat kong nakikita. Puno ng takot. Puno ng lahat ng galit sa tuwing maalala ko ang lahat.
Sana nga panaginip nalang lahat. Pero ngayon, siguro hindi nalang ako titigil magmahal hanggang hindi ako namamatay, hanggang hindi namamatay ang puso ko. Pipiliin ko ng mamatay ng naramdaman kong sumaya kaysa naman yung isalba ang puso ko, at tigilang mag-saya. Bahala na si Lord. Baka yun yung message niya sa akin. Siya lang ang makakapagpasaya sa akin. Hindi ibang tao. Hindi dapat maging dependent ang kasiyahan ko sa ibang tao.
// I understand. This is life. :./