Miyerkules, Abril 4, 2012

Accepting the truth..

"God has a reason for allowing things to happen. We may never understand his wisdom, but we simply have to trust his will."

Nagtanong ako kay Lord nung mga oras na nakaramdam ako ng sakit. Tinanong ko kung bakit nagkaganun, hindi ko ba nagampanan ng mabuti ang tungkulin ko? Hindi ba sapat yung pagmamahal na binibigay ko? Nagkukulang ba ako ng oras, pagmamahal? parang hindi naman kasi. Lahat naman ginagawa ko para dito, lahat ng pag-eexperiment sa ugali, sa pag-iintindi ng ugali, ginagawa ko kasi natatakot akong gawin sa kin ulit yun, natatakot akong mangyari. Pero without any sign, nangyayari na pala. Hindi man lang ako prepared. 

It's been the 3rd time. Akala ko pagod na ko. Oo, pagod na ako. Pero nadala pa din ako sa paulit-ulit niyang pagpilit sa akin to go back and be with him again. Kasi, kung may isang tao akong hindi matatanggihan sa lahat ng bagay, siya yun. Dati pa man, ganun na ako sa kanya. Akala ko tamang pagmamahal yung ganon. Akala ko enough na yun para masabi kong makukuntento na siya. Pero hindi pala. Pinipilit ko yung sarili kong hindi ko na siya mahal. Dapat wala na, kasi puno ng galit yung puso ko. pero hindi din e. 

Isang araw, napag-isipisip kong bigyan pa ng chance. This time, hindi na ako sigurado kung magbabago siya. Ang sigurado ako, masaya pa din ako pag kasama siya. Setting aside yung takot na konting kibot uulitin niya yun. Siguro ngayon, kailangan kong makuntento sa ganito. Yung parang pagmamahal na walang commitment. Yung hindi ka mag-eexpect ng kahit ano, hindi ka madidisappoint at hindi ka na magseselos, magagalit at kung ano-ano man. Magulo. Masalimuot. Pero baka sa ganitong paraan mabuhay ulit ang puso ko. Baka sa ganitong paraan, maniwala ulit ang puso at isip ko na magbabago siya. SANA. Makukuntento ako sa ganito kahit sa akin lang applicable to. Gagawin ko yung lahat para mabuhay ulit ang puso ko. 

Alam ko ngayon, pinipilit ng puso kong bumangon galing sa lusak habang patuloy akong nagdadasal na maging okay, na magbago nga siya ng tuluyan. Bumalik ang tawanan, masaya. Ayoko ng sirain yun. Ayoko ng isipin pa niya na hindi ako kuntento dun. Pero hindi ko palang makita ulit yung genuine happiness na dapat kong nakikita. Puno ng takot. Puno ng lahat ng galit sa tuwing maalala ko ang lahat. 

Sana nga panaginip nalang lahat. Pero ngayon, siguro hindi nalang ako titigil magmahal hanggang hindi ako namamatay, hanggang hindi namamatay ang puso ko. Pipiliin ko ng mamatay ng naramdaman kong sumaya kaysa naman yung isalba ang puso ko, at tigilang mag-saya. Bahala na si Lord. Baka yun yung message niya sa akin. Siya lang ang makakapagpasaya sa akin. Hindi ibang tao. Hindi dapat maging dependent ang kasiyahan ko sa ibang tao. 

// I understand. This is life. :./

Linggo, Marso 18, 2012

May she rest in peace. :)

RT: "Minsan pinipili mo nalang manahimik at hindi kumibo para hindi na lumaki ang gulo."... 


--kaya dito ko nalang ilalabas lahat.haha. Para hindi na lang mag-away. :) 


Bothered for the nth time. Bakit pa kasi kailangang magkaroon ng connection. Sabi nga, it's either nakamove on na siya o umaasa pa rin siya sa kanya. I don't know, pero nabother ako ng bongga nung sinabi sa aking in-add daw siya ulit sa isang social networking site. I know it's nothing for him, pero for me, it's something big. I will not be like this kung walang nangyaring encounter between us. Siya ang naunang maging bitter. Hindi niya kasi matanggap na wala na, hindi niya kasi matanggap na he will never be hers again kahit anong mangyari. That's her loss, anyway. Baka hindi siya naging mabuting girlfriend for him. Sad to know that. She had her time, kaya tama na. Akala ko nakapag move on na ko sa close encounter namin pero hindi pa pala. Nanggigil pa rin ako sa galit sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya. Wala naman akong ginawa sa kanya. Bitter lang siya. Ganda niya e. (oops. beware. Libelous to) haha:)) Im putting it into words, kasi mas madali kesa sa sabihin dahil mamimisinterpret lang kagad. Oo, ngayon bitter ako sa kanya. at kahit kailan magiging bitter ako sa kanya. tumigil siya, hindi ko siya makakasundo kahit kailan. Lumayo siya. Wag ng antaying iitulak ko siya palayo. 


She has intentions of adding him up again, I know. Whatever it is, may God Bless her. I already prayed for this. :'( Sana mas pinili niya na lang na manahimik at mawalan ng direct connection. tsk. 





Linggo, Marso 11, 2012

Thankful, indeed! ♥

  • "Be with a guy that is willing to spend Saturday night watching movies with you rather than being with his friends.” - The Notebook

    He has time for everything, and for everyone, but he never puts me in the least of his priorities.:) 

    Had a wonderful weekend with Benedict. Inspite of our busy schedules, thankful kasi nakakapagspend pa rin kami ng quality time together. Sa industriya kung nasaan kami, hindi madaling balansehin ang relationship. Hindi madaling magsurvive but the secrets are endless understanding, love, commitment and trust. Masarap yung pakiramdam na pag tinatanong mo siya kung mahal ka niya, hindi siya mapapagod sagutin na "opo, mahal kita"... Pero mas masarap yung pakiramdam na hindi mo na kailangang magtanong kasi hindi niya nakakalimutang ipakita, ipadama at sabihin na mahal ka niya, palagi, walang palya. 
    Naiintindihan ko bakit parang wala lang yung valentines day for him. Kasi dapat, everyday is love day.:) Everyday, magmamahal ka at mamahalin ka ng taong nangako ng pagmamahal na walang wakas:)


    "Lahat nababago liban sa pag-ibig ko                                                        
    kung ito'y di mo maramdaman, malamang ako'y patay na                                
    kaya wag kang mag-alala dahil hangga't may ako at ikaw,                        
    merong pag-ibig sa atin araw-araw. "  - Labbie 02.03.12
 I love you.:")

Biyernes, Pebrero 10, 2012

Random thoughts...

02.10.12. 

It has been a productive day for me. Slept at 7am and woke up at 12nn. Researched for story proposals tapos went outside to look for other story proposals and meet labbie. :) Minsan lang siya magkaroon ng off sa work kaya kailangang sulitin :-p 

Kanina, sa kalagitnaan ng paghahagilap ng storya sa lansangan, ito ang nasaksihan: Isang babae, sumugod sa asawa niya na nahuling may kalandian. Bad news,er? Nakakagulat lang talaga. Siguro nasa 40's na ang edad nilang lahat. Hindi lang makakaila na sobrang masakit para sa babae ang mahuli niya ng ganun ang asawa niyang hitad. haha:) Madami ng tao ang may infidelity issues, I just wish they have conscience para maisip na hindi na makatarungan ang ginagawa nila. Nagpplayback lang sa utak ko yung line nung babae, "Hindi ka na nahiya, hindi mo inisip na may asawa ka."... Poor woman, I pitied her a lot. Sana she'll get over this kaagad. What's worse is that hindi nagsasalita yung lalake. (ang sarap saksakin..haha)

This will be for all the men out there who were still a big pain in the ass of their girls.  Men, please be considerate. Make sure that when you ask for a girl's heart, it SHOULD BE ONLY just her. No ifs, buts and flirting things. I really don't believe in the saying na loyal boys are those who flirt all day but at the end of the day, they will always go back to where their heart belongs. Why be loyal when you can be the faithful one? I just feel bad for girls na sobrang paranoid dahil sa mga ganitong issues. They just can't help but think over and over again what are their boys doing, or where are they staying... 

And girls, keep your eyes and minds open.:) Know your limitations and know where to stop.  But, once you decide to stay again and forgive, make sure to give your 100% best to trust and be whole again. It will be really difficult to stay in a relationship without trust and more love from the both of you. It will be the best feeling when you know you have survived this kind of trial. 

Serious thoughts ha?:) haha. Based from experiences, who cannot give words of wisdom like these?:-p At least, I've learned and I have forgiven. Anyway, I still can't find the suitable story to propose for next week's airing. God help me.:) 

Tomorrow will be our high school alumni homecoming. :) Got a message from my super favorite teacher na she will be coming daw.:"> 

Labbie and the rest of the gang will be going to Mindoro on Monday til Thursday. Sad thing, I can't be with him on those dates:( Sh*t airing week.:/